Grabe na talaga itong 2020. Taal eruption, pandemic at mga typhoon. How I wish sana na meron fast forward button para matapos na itong 2020 na ito. My deepest sympathy sa mga nasalanta ng bagyung Quinta, Rolly at Ulysses, especially dyan sa Cagayan. All we can do now is keep praying at faith kay Lord, at tumulong kahit papano.
Uninstall ika-nga,... bilang lang yata sa kamay ang mga mabubuting ngyari sa bawat indibidwal ngayong 2020, kadalasa ay puro sakuna, mantakin mo papalapit na ang katapusan ng taon humahabol pa ang mga bagyo.
Sa totoo lang, hindi na bago sa aming mga taga-Cagayan Valley ang mga bagyo at baha. Almost every year (during BER months) eh talagang tumataas ang tubig sa ilog dito, pero ngayon lang ulit nangyari yung ganitong sobrang laki at lawak na baha. Ngayon lang din nangyari yung magkakasunod na bagyo ang dumaan at nagpaulan, kaya hindi agad bumaba sa ilalim ng lupa ang binagsak na tubig
akala ko talaga isa sa mga matataas na lugar ang Cagayan Region (majority is mataas I mean) or mataas sa mataas sadyang bahain lang talaga ang lugar nyo?
Kung sabagay kasi kung bagyo lang yan hindi naman ganyan kalala ang mangyayari dyan, kung bumaha man siguro eh mga hangang tugod lang ang abot,...
Dusa lang talaga gawa nga nung DAM, pero gaano katotoo na hindi nakikinabang ang mga taga-cagayan sa DAM na nasabing nagpakawala ng tubig?
hindi ba dapat kayo ang unang unang binibigyan ng supply ng DAM kasi kayo ang malapit?