Gusto ko lang ishare ang mga Plano ko kung sakaling matuloy ang ATH alam naman natin na marami sa mga crypto investors ang naghihintay na mangyari muli ang pinakamataas na value ng mga coin sa kasaysayan ng cryptocurrency. Kung maganap man ito 50 porsyento ng coin na hawak ko ngayon ay ibebenta ko for the security purposes na rin , the rest naman ay ang ihohold at iinvest sa mga project na alam kong makakatulong sa paglaro muli ng coins ko.
Sana rin sa mga may hawak ng malalaking coin diyan if ever na mangyari man ang ATH this year or kahit next year sana naman huwag ibenta lahat ang coins na hawak niyo bagkus ihold ang ilang poryento dahil alam naman natin na once makita ng mga investors na bumagsak ng bahagya ang presyo ng mga coins nagpapanic selling na sila agad kaya mas lalong nababa ang presyo nito na sana huwag ulit mangyari.
Kayo ang plano niyo kung sakaling maganap ang ATH?
1. Set a target price dun sa mga tokens or coins mo. Create a price projection spreadsheet na pag na hit itong price na ito, at ilang % ang pwede mo i-sell. Pag wala kang exit strategy, matatangay ka ulit pababa ng merkado pag bumagsak. Kung DCA ang buy strategy mo, dapat exit or sell strategy mo DCA din, hindi biglang benta. Parang kung tumaas pa ng tumaas, pwede ka pa mag sell. Never sell all you positions, pero nag a-unload ka rin ng bags mo, kasi iba talaga crypto.
2. Use stablecoins! Eto ang hindi ko nagawa ng 2017-2018. Kelangan i-protect mo value ng portfolio mo. Kung wala ka namang immediate need dun sa crypto mo at na hit na nya yung price na gusto mo, convert to USDT, USDC or TUSD then transfer sa wallet that you own the priv key. Protect your gains.