I'm not a fan of topping up money on online shops like shopee and lazada but I was surprised seeing that shopee also accepts bitcoin as a mode of payment using coins.ph. Kasi noon puro COD lang ako since para walang nakakahinayang kung hindi man successfully maideliver yung product na binili ko.
Lately ko lang din nalaman na nag a accept na din sila through coins.ph and othet wallets like gcash sa shopee. Madami na rin actually ang nag uumpisa ng mag integrate ng blockchain system sa company nila at nag i start na rin mag accept ng digital payments dahil madami na ding gumagamit at nakikilala na rin talaga ang bitcoin ng karamihan.
Unti unti ng nakikilala ng ibat ibang sekto ng lipunan maging sa mga malalaking kompanya ang blockchain technology. Dahil na rin mapapadali ang trabaho kapag ginamit ito at kailangan ding mag adopt ng panibagong magpapa improve ng progress at development ng kanilang company.
Although matagal na to pero magandang platform kasi para sa crypto yung magamit sa mga online shopping lalo na ng shopee. Maganda kung mapromote din nila ang crypto thru games, since may laro sila mas maganda kung yun ang ibigay nilang prizes kahit maliit atleast pag naipon mas maganda na magamit ng tao para malaman nila ng husto ang pwedeng gamit ng crypto at mas maganda kunh mapromote nila ang mismong blockchain technology.