Magandang araw sa lahat, Gusto ko lng sana makuha mga opinyon tungkol pg aadopt ng Cryptocurrency dito sa Pilipinas.? If meron ng thread na ganito humihinge po ako ng paumanhin at maaari sana ay ma edirect nyo ako sa link na yon. Ano ano ba talaga ang mga kailangan para mas maintindihan ng ibang tao or Non crypto people ang Cryptocurrency..?
Alam naman natin (Crypto know how) kong ano talaga ang bitcoin and cryptocurrency .
Pero gusto ko sana malaman paano ba talaga maiiwasan ang disadvantage ng cryptocurrency.
gaya nlng ng Madali lng i compromise ang isang account na mayroong cryptocurrency using click bait or Pishing site.
pangalawa sa side ng gobyerno natin isa din siguro sa iniisip nila bakit hindi maipasa ang adoptation ng cryptpcurrency dito sa atin ay baka kasi pde din itong magamit ng mga corrupt na official ang blockchain and cryptocurrency sa pag tatago ng Mga ill gotten wealth nila. Since almost anonymous ang trasAction sa Cryptocurrency..
Medyu matagal na din akong nawala sa Blockchain and Cryptocurrency world. Malaman marami ng mga bago na hindi ko na alam na nag eexist na ngayon na pwding maka sagot sa mga tanong ko. at alam kong ang forum lng na ito makaka sagot sa lahatbng tanong ko.
Please educate me again. Thank you
Para mas maintindihan ng ibang tao lalo na sa mga bago o walang alam sa cryptocurrency is of course ieducate yung sarili since meron naman nang internet na syang tutulong para mas maintindihan ng maigi kung ano talaga ang cryptocurrency like Bitcoin. Para maiwasan ang disadvantage na crypto related ay yun na nga education parin lalo na sa siguridad ng ating mga cryptocurrency assets at gawin nating lesson yung mga nangyari ng ibang enthusiasts which is something like nacompromise account nila for not being careful lalo na sa internet.
Sa side naman ng government andyan yung regulations, limitations at implementation of AML pero hindi naman ganun kastrict di kagaya sa ibang bansa. Para sakin okay naman ang sitwasyon ng crypto sa ating bansa yung internet lang problema dahil may kabagalan talaga, at kung mabagal ang internet maaapektuhan yung mga kabayan natin sa pag-educate ng sarili nila.