Tingin ko timely ito dahil paparating na malaking bull run, hopefully this year.
1.) Ano ang mga na enjoy ninyo sa last bull run? Sa anong coins kayo kumita at sa anong paraaan?
2.) May regret ba kayo sa last bull run? Ano yun?
Napaka gandang taon para sakin ang year 2017 at isa din ako sa naenjoy ang last bull run through bounty hunting at syempre kumita ng malaki sa mga signature campaigns na kadalasang sinasalihan ko. May regret din ako last bull run yun yung time na di ko agad naitrade yung mga Altcoins ko na sobrang naapektuhan nung bumaba nga yung price ni Bitcoin. Pero kahit ganun ang nangyari masaya padin ako dahil kahit papaano ay kumita padin ng mas malaki kumpara sa normal na sahod ng isang day job.
Ganon lang dapat, positive lang tayo, wag maging greedy, although may nagawa tayong sa tingin natin ay mali, pero at least kumita naman tayo. In the first place hindi naman tayo nag invest, kita lang yun sa bounty, meaning libre lang, kaya laki dapat pasalamat natin.
Ako nga sa totoo lang, pinapangarap ko na bumalik pa yung panahon na yun, maganda yun kasi easy money, at rewarding sa atin dahil nag stay tayo sa crypto ng matagal.