This explain my thread, and siguro nga ay di pa napapanahon para sa cashless society since marami paren talaga ang walang sapat na kaalaman tungkol dito. Maybe in the next 5 years mas maaachieve naten ang pagiging cash less society since patuloy na naggrogrow ang teknolohiya at dapat lang natin itong pagtuunan ng pansin.
For me ang dapat talaga pag tuonan ng pansin ay hindi lng yong adoptation ng Bitcoin dito sa Pinas. Napaka Importante din yong Internet connection in terms of crypto and Blockchain pg walang internet walang transaction pg walang transaction walang cryptocurrency wala lahat. Kaya kailangan din dapat na magawang stable ang internet dito sa Pinas. Speed, Availability ng Area, Affordability ng Internet para kahit saan man sa pilipinas swak ka sa cashless society..
Totoo yan kapatid. Paano nga ba maging cashless society ang isang bansa na kagaya ng Pilipinas kung sa internet pa lang ay sobrang bagal na syempre mas pipiliin pa din ng ordinaryong mamamayan ang gumamit ng fiat dahil sa mahal ng internet tapos di pa tama yung serbisyo ng telcos. May mga areas pa na out of coverage katulad na lang ng sa akin tapos katulad ngayon pandemic need ng transactions like online banking, GCash, crypto payments at iba pang cashless na transaksyon, pagbukas mo ng app baka madoble mo pa transaksyon sa sobrang bagal magload. Wala din kasi yang adoption eh kung walang internet.