Nakakakaba nga yung ganyan. Mabilis pa naman transaction kapag XRP wala pa ngang 10 minutes na transfer. Sa experience ko din dati, hindi nagre-reflect sa wallet ko yung sinend ko sa kanila na btc at umabot din yun ng mga ilang oras kaya nagmessage agad ako sa support nila. Basta nasa network naman at confirmed yung transaction mo, paniguradong i-credit naman nila yan. May mga delay lang siguro talaga sa pag-reflect dahil rin siguro sa dami ng gumagamit ng platform nila.
After naman ng problem ko bigla sila nag reply within ~20 minutes which is good at nag send agad sila ng feedback about the transaction id na need ko well still nakaka panibagong ang bagal ng progress nila sa XRP.
Mabuti naman, kasi known naman sila na nagrereply agad agad kapag may concern ang mga customer nila. Naiisip ko nga minsan sa dami ng users parang halos lahat nare-response nila kahit na limited lang ang mga tao.
Baka related sa investment schemes ang iyong business tapos merong nag report nito sa Coins.ph. Kapag ganyan ang reply nila saiyo, hindi mo na yan marereactivate dahil malinaw naman na sinabi nila na hindi mo na mgagamit ang mga serbisyo nila. Siguro naman nag conduct sila ng investigation kapag ganyan at napatunayan na totoo.
Wala na talagang pag-asa yan. Naalala ko nanaman yung kasagsagan nung madaming scam na ginagamit si coins.ph, napakaraming mga accounts ang na-ban din dahil sa scam investments.