Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Sino dito ang naka experience ng last bull run (2017)
by
Text
on 14/01/2021, 03:22:56 UTC
Para sa akin, magkaiba yung naging bulll run noong 2017 sa ngayon. Dahil halos ng kinita ko noon ay galing sa altcoins at bounties, kasi hindi lang BTC yung umangat noon. Pero ngayon, top coins lang yung mga napansin kong nag gain talaga gaya ng BTC at ETH, meron naman din atang iba pero hindi lang ako pamilyar kasi hindi na rin naman ako nagbabounty ngayon, hindi tulad noon na halos araw-araw ay may sinasalihan akong bago.

Yung mga kinikita kong BTC sa campaigns, okay naman ang profits dahil sa pagtaas, hindi nga lang karamihan dahil dito ko rin kinukuha ang mga expenses ko.