Just wondering, ang cryptocurrencies ba ay may tax? Ayon sa Taxation Law ng Pinas, kapag kasi ang isang freelancer ay lumagpas ang kinita sa PHP250,000 sa loob ng isang taon ay may kaukulan na itong tax.
This case might be sensitive pero matanong ko lang, wala pa bang kumatok sa mga bahay sa inyo ayon sa usaping ito? I mean tax evasion.
Share your thoughts and experiences, hirap kasi na parang ilegal tong ginagawa natin dahil wala naman talagang batas ukol dito
Ikaw na rin ang nagsabi na walang batas ang nauukol tungkol sa cryptocurrency kung kaya di ito pinapatawan ng tax. Ang cryptocurrency ay hindi kinikilala ng BSP or BIR bilang isang lehitimong currency kung kayat di naisasaad sa gobyerno ang pagkakaroon ng tax neto. Wag na nating hilingin na magkaroon pa ng tax dahil mas lalo lamang dadami ang mangbubuwaya sa gobyerno. Kaya wag ka magalala, walang tax ang crypto, at mas lalong wala kang ginagawang illegal.