.
Gaano ba kabilis at maaasahan ang mga pagbabayad gamit ang Lightning Network?
Depende sa ruta, ang mga pagbabayad sa Lightning Network ay maaaring instant. Ang bawat wallet ay naghahanap ng pinakamura at pinakamaikling ruta kapag sinubukan mong magpadala ng isang transaksyon. Maaari mong buksan ang isang channel nang direkta sa isang tao na madalas mong kapalitan o umasa sa iba pang mga channel na pwedeng iruta ng iyong bayad para sa isang maliit na fee. (karaniwang nasa ilalim ng 1 satoshi). Nabibigo ang mga pagbabayad gamit ang Lightning Network paminsan-minsan dahil sa walang ruta sa patutunguhang node o masyadong mataas na halaga ng pagbabayad (walang sapat na liquidity). Ang problema na ito ay nabawasan sa pamamagitan ng paghahati-hati ng mga transaksyon sa maraming mas maliit na mga pagbabayad na na-redirect sa pamamagitan ng iba't ibang mga channel.
According dito naghahanap ng Pinakamura at Madaling ruta , kahulugan ba Non boss eh mamimili sya either of the 2? or priority nya ang Murang ruta ? kasi parang mahirap makahanap ng pinaka Maikling ruta at kasabay din ng Pinaka mura. and ayon sa pagkakaunawa ko (please correct me if i'm wrong Bossing) mas applicable ang LN sa mga maliliit na transactions ?
Nga pala salamat dito Boss, sana Sumilip din ang mga Lightning Network experts dito para sa karagdagang Paliwanagan dahil panahon na para matutunan nating gamitin to lalo na sa mga panahong katulad nito kung saan grabe ang taas ng fees .