Post
Topic
Board Pamilihan
Merits 3 from 2 users
Topic OP
Lyka App
by
plvbob0070
on 16/01/2021, 07:25:13 UTC
⭐ Merited by Insanerman (2) ,cabalism13 (1)
Pamilyar ba kayo sa kumakalat ngayon sa Facebook tungkol sa Lyka app kung saan ang bawat gem na makukuha mo ay may katumbas na pera? Oo, ayon sa nakikita ko ang 1gem ay may katumbas na 1php.  Sa pagkakaalam ko ay medyo matagal na itong app na 'to pero kamakailan lamang ay dumarami ang nakikita kong nag shashare sa Facebook account nila tungkol sa Lyka app. Maaari mong gamitin yung gems para bumili ng mga products na meron sa app, o gamitin sa mga merchants na tumatanggap ng Lyka gems.

(The picture is from google)

Obviously, nakakaattract ito sa mga kababayan natin dahil sa idea na pwede ka makakuha ng pera sa pamamagitan lamang ng pag post ng mga picture o video, pakikipag interact sa ibang users nito. Parang typical na social media platform kung saan puno ng interactions sa mga followers at pag uupload, pero ang pinagkaiba ay pwede kang kumita sa pag rate lang ng mga post.

Pero according dito sa Reddit post na nakita ko, may possibility na itong Lyka na ito ay inaaccess ang camera or mic ng phone ng user pag ginagamit yung app.
Link:
Code:
https://amp.reddit.com/r/beermoneyph/comments/him2bg/sa_mga_nagtatanong_if_scam_ba_yung_lyka_ito/

Hindi ba masyadong too good to be true yung offer na kikita ka sa pakikipag interact at pag upload lang ng photos and videos? So pwedeng ginagamit nila yung mga data na nakukuha nila mula sa users para ibenta. Anong masasabi nyo dito?