Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Sino dito ang naka experience ng last bull run (2017)
by
Text
on 17/01/2021, 06:23:13 UTC
Same ang sagot mo don sa isa, katulad nga ng sabi ko ang iba sa atin ay nakapagbenta ng altcoins sa btc bago pa magkaroon ng bull run. Halos lahat naman para makuha mo ang pera mo, ibebenta mo sa BTC at unting hold, may posibilidad na tumaas. Kaya para sa akin wala masyadong pinagkaiba ang bull run noon at sa ngayon dahil parehas naming BTC ang tumaas, at sa kadahilanan ng BTC ay pati ibang altcoin ay tumaas din. Pero syempre iba iba tayo ng way nung ginawa noong bull run 2017 kaya maaaring masabi natin na magkaiba nga.
Tama ka nga na yung mga nakuha nating altcoins ay binebenta lang natin para sa Bitcoins. Naisip ko lang ibenta yung iba habang sumasabay ang pag-akyat ng mga ito sa presyo ng Bitcoin at yung iba naman nanatili na lang sa paghihintay dahil akala natin tutuloy-tuloy ito... Nag set kasi ako ng sell price target na hindi naman pala maaabot. Yun nga, hindi ko naman na convert lahat sa fiat hanggang sa pagpasok ng 2018 na unti-unting pagbagsak ng mga presyo. Ang nais ko lang sabihin na naging kita ko sa parehong bull run, noong 2017 ay galing mismo muna sa altcoins dahil sa talamak na bounties and airdrops before exchanging to BTC, pero nitong latest bull run, ay purong BTC dahil sa ipon at HODLings... Syempre lahat tayo masaya dahil sa muling pagtaas nito at nalampasan pa yung huling ATH, doble ika nga.