Siguro rare cases lang talaga ito pagdating sa mga banko at kukunte lang din naman siguro ang mga interesado na magsafety box sa mga Filipino.
Pero same lang din ito sa mga Cloud or emails kung gagamitin mo o lalagyan mo ng mga password mo, maaari parin nila itong maacess and di naten alam kung malaking pera ang usapan baka nakawin ng employees yan.
Actually, I'd say mas safe ang cloud storage compared dito sa safety deposit box, assuming na inencrypt mo ung backup. But still, storage through written backup phrase or steel-etched parin ang safest.
Pagiging ligtas ng safety deposit box ay dipende kung pano mo ito itatago. Walang bisa o kwenta ang pag lalagay ng safety deposit box kung ilalagay mo lang ito sa lugar na madaling makita, pagkat ang password nito ay maaring makuha sayo, at pwede pang ikalagay ng buhay mo sa alanganin.
Kung titignan naten, kung napakahalaga ng itatago mo sa parehong paraan (Cloud o Safety Deposit Box), ang safety deposit box ay magbibigay ng feeling of safety dahil ito ay nasa loob ng iyong pagaari, at ikaw rin lamang ang nakakaalam ng lugar kung san ito nakatago. Samantala, kung cloud naman, maaring may mang hack sayo sa pamamagitan lang ng isang kapabayaan na ginawa mo, lalo na't kung ang password ng iyong cloud ay iniimbak mo rin mismo sa iyong kompyuter.
Samakatuwid, ang binibigay na kaligtasan ng cloud o safety deposit box ay nakadipende kung pano mo ito gagamitin at iingatan.