Actually, nahihirapan ako ivisualize yung nakikita nila sa future especially yung aim nila na 70% of adult Filipinos ay magkaroon ng bank account since alam naman natin na marami sa mga Pilipino ang walang kakayahan dito. Paano pa pag ginawang coinless ang mga transaction na kakailanganin nila ng digital access eh kung simpleng sa bangko nga lang ay hindi na nila kaya.
Bago nila maisakatuparan ito, marami muna silang kailangan na ayusin dahil obviously, yung ganitong vision ay para lang sa mga privilege. Maraming Pilipino ang kumikita ng pabarya barya sa araw-araw na pagtatrabaho at sa tingin ko ay magiging hassle sa part ng iba kung gagawin digital pa ito. Sa ibang technological innovations nga ay nahuhuli tayo tapos gusto nilang tumalon sa ganitong idea na hindi lahat at kayang makipagsabayan.