Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Filipino crypto users
by
lienfaye
on 25/01/2021, 13:15:08 UTC
Hindi natin maikakaila na mas tumaas naman talaga ang bilang ng mga Pinoy crypto users ngayon pero hindi lahat ay nandito sa forum. Karamihan ay mga nasa social media crypto groups.
Totoo yan, marami akong fb friends na crypto users din pero hindi sila active o kaya naman ay walang account dito sa forum. Pero nakikita ko pa rin na continuous ang bounty hunting nila sa ibang social media sites.

Marami ngang bagong accounts ngayon pero hindi gaya noon, hindi na nila magagamit ang multiple accounts sa pagsali sa iba't ibang airdrops at campaigns dahil madalas ay mayroon ng merit requirement.
Hindi pa kasi ganun kahigpit noon kaya malaya ang mga alt accounts gamitin para ma maximize yung kita nila, pero sadyang may hangganan yun.

Pero sa totoo lang, dapat tayong maging masaya kung marami ng pinoy ang gumagamit ng crypto dahil mas mapapadali ang pagadopt natin dito pagdating ng panahon.
Agree ako diyan, malaking tulong din yung coins.ph kasi mas na aware ang mga tao sa paggamit ng crypto partikular sa bitcoin. Ang coins.ph kasi nagbibigay serbisyo (crypto ethusiast ka man o hindi) at convenience dahil sa mga features nito, pang negosyo man o pang personal na gamit. Dahil dyan mas nadagdagan ang popularity ng cryptocurrency satin.