Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Filipino crypto users
by
Baofeng
on 27/01/2021, 23:29:36 UTC
Sa tagal kong andito sa forum napansin ko na sobrang daming newbies every year nadadagdagan at kung sa totoo lang hindi ako makapaniwala sa dami dahil hindi pa naman ganoon kalaganap ang forum na ito sa iba, karamihan sa kanila ay alam ang bitcoin pero walang idea sa forum na to.

Ano sa tingin niyo tama ba ang hinala ko na maraming alternative accounts or multiple accounts dahil sa rason na mahirap solusyonan ito.

Hindi natin maikakaila na mas tumaas naman talaga ang bilang ng mga Pinoy crypto users ngayon pero hindi lahat ay nandito sa forum. Karamihan ay mga nasa social media crypto groups. Marami ngang bagong accounts ngayon pero hindi gaya noon, hindi na nila magagamit ang multiple accounts sa pagsali sa iba't ibang airdrops at campaigns dahil madalas ay mayroon ng merit requirement.
Pero sa totoo lang, dapat tayong maging masaya kung marami ng pinoy ang gumagamit ng crypto dahil mas mapapadali ang pagadopt natin dito pagdating ng panahon.

Kadalasan sa mga bago ngayon e nahuhumaling sa trading at madalas ko silang makita sa mga crypto groups na ginawa intended for binance at iba pa. Siguro may unang sumubok Pumasok pero nahirapan dahil di din Kasi basta basta makapag rank up dito kaya medyo nakaka bored din yun na sitwasyon. Pero tiyak in future since kilala na si bitcoin e papasok din sila ulit at may mga bago pa na papasok dito.

Monitor mo rin ung isang group ng pinoy sa binance, hehehe at masasabi ko merong well experience talaga pero mas marami ang baguhan sa mundo ng trading at nanghihingi parin ng advise. Pero sa tingin ko talagang grabe ang exponential growth ng pinoy na nahihilig talaga sa crpyto sa ngayon. Hindi lang dito sa forum pero sa labas narin katulad sa mga telegram group at ito ay good news talaga. At siguro ito na rin ang dahilan kung bago may bagong anunsyo ang BSP tungkol sa crypto regulation.