Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Sino dito ang naka experience ng last bull run (2017)
by
arwin100
on 07/02/2021, 08:28:43 UTC
Mayroon akong token na ang pangalan ay Cappasity noong 2017 na umabot ng 1.4 million pesos na sana kaso akala ko wala ng katapusan ang Bitcoin kaya hindi ko agad ibenenta. At ng bumaba ang market nito (2018) ay hold lang ako hanggang wala na nga etong value. Hanggang ngayon sumasakit ang dibdib ko dahil pera na naging bato pa.

Napaka laking lesson learned nito at tsaka napakalaking blessing nun na nasayang na pwede sanang magpabago ng buhay mo ngayon kabayan pero sa tingin ko hindi pa naman huli ang lahat kasi may mga bounty pa naman na tumatakbo kaya ngalang pahirapan na talaga ngayon dahil mas naglipana ang scam kaysa sa legit pero subukan mo lang baka maka hit ulit ng magandang proyekto at maka jackpot pa.

Masakit nga sa dibdib yan kabayan, ang laking pera na nun nakakapanghinayang. Naranasan ko rin yan, hindi ako nakuntento kaya naghintay pa ko ng mas malaking value pero unfortunately bumagsak ang presyo, good news naman dahil sa kasulukuyan nakabangon ulit yung coins na hawak ko. Isang aral na ang nakaraan na wag masyadong greedy kaya ngayon natuto na ko, maging wise kasi di natin alam ang susunod na galaw ng market.

Ramdam ko to dahil may ilan-ilan din akong tokens dati na umabot na sana million ang value pero sayang din at naging greedy kaya di nabenta nung mataas ang presyo pero napakinabangan ko pa din naman kahit palugi ko nang nabenta. Kaya sa ngayon nagiging wais na di man sa pagiging bounty hunter pero sa pag te-trade naman ngayon ng iba't-ibang altcoin.