Mayroon akong token na ang pangalan ay Cappasity noong 2017 na umabot ng 1.4 million pesos na sana kaso akala ko wala ng katapusan ang Bitcoin kaya hindi ko agad ibenenta. At ng bumaba ang market nito (2018) ay hold lang ako hanggang wala na nga etong value. Hanggang ngayon sumasakit ang dibdib ko dahil pera na naging bato pa.
Nakakapanghinayang talaga eto pero sana ay matanggap mo na, para naman wala kanang iisipin kasi kung hindi mo yun tatanggapin ay palagi mo na lang sisisihin ang sarili mo. Isipin mo nalang na malaking lesson eto at sa ngayong bull run ay mas wais ka na.
Halos lahat naman ata sa atin nakaranas ng ganitong senaryo na buhay crypto lalo na sa mga sumasali sa bounty campaigns noong 2017. Nung panahon na yun kumita ako ng medjo malaki dahil na rin sa rank ko ngunit nagkamali ako at binenta ko agad dahil after less a week lang nagdouble at halos umabot ng triple yung coin na yun. Unfortunately, ngayon halos lahat ng altcoins na kinita ko na tinira ko shitcoin na at halos wala ng value.
Anyway, mas nakakaawa yung sa kakilala ko dahil naghold talaga for years and almost all ng kinita nya at wala ng value. Nakikita ko parin yung wallet address nya na hindi nagalaw yung mga coins na potential na umabot sana ng milyon milyon kung naibenta agad.