Post ko last year, nung nasa kababaan pa ang price ng bitcoin:
Nakakatawa ano? March last year lang yang nagpost ako tungkol sa pagbaba ng price ng Bitcoin(approximately $5000-$6000 ang BTC at that time) dahil pansin ko angdaming nagpapanic sa mga replies sa mga topics dito sa Pinas section.
At ngayong naghit nanaman tayo ng all time high($50,000) at karamihan saatin ay siguradong sobrang saya, eto nanaman ang panibagong thread naman. Bull market edition naman.

Muling paalala lang, na wag sana nating ikalat sa karamihan ng mga kakilala natin at sa social media na meron tayong bitcoin/crypto at malaki ang kinita natin.
Bakit? May makalaman lang na isang masamang tao na meron tayong crypto holdings na may malaking halaga, e may posibilidad na may makidnap saatin o sa mga mahal natin sa buhay para dun sa crypto holdings natin.
Yes, alam ko, sobrang baba lang siguro ng chansang may mangyaring ganito(kasi in the first place marami ngang may di alam kung ano ang crypto), pero is it worth risking? Isusugal natin ang seguridad natin at ng pamilya natin para lang maipagmalaki natin ang holdings natin? Big no. Better stay humble lang, and ipagpatuloy lang natin ang pagstack natin ng sats.

Documented Physical Attacks:
https://github.com/jlopp/physical-bitcoin-attacks/blob/master/README.mdThe $5 Wrench Attack:
https://cryptosec.info/wrench-attack/Congrats sa mga naghold at nagtiis after ng multi-year bear market.


