Sa tingin ko marami din naenganyo sa crypto lalo na ngayong pandemic thinking that its 'easy' money, marami din kasi ako nakikita sa mga FB groups. Yun nga lang ang napansin kong naging laganap ay yung mga nasa telegram bots na kadalasan ay mga ponzi/hyip tulad ng forsage, bitaccelerator, XUM etc.. Sana yung mga nabiktima dito ay hindi magkaroon ng masamang tingin sa crypto at gawin nalang itong lesson, at sana yung ibang mga pinoy ay maenganyo na matuto tungkol sa crypto. Siguro panahon din dapat na magkaroon tayo ng learning platform na magiging accessible para sa mga kabayan natin.