Sinasabi din dito na napakaraming outlet para sa ating mga kababayan upang makabili or makagamit ng Bitcoin at iba pang cryptocurrency. Medyo napaisip ako sa unang part nito saying that Philippines is one of the most active countries in Asia. Hindi sa nagda-doubt ako about it but because I am not feeling that activeness in our country.
It's a no for me also. Sa tingin ko, binibilang nila siguro as "adoption" ang total users of Coins.ph? Kahit na pag ang isang tao ay gumagamit ng Coins.ph e hindi necessarily na gumagamit ng bitcoin— kundi baka ginagamit lang talaga ung fiat services(load/gift cards/bills/etc).
But of course, since tumaas ang presyo ng bitcoin, tumaas talaga ung activity sa crypto "communities" natin sa social media. Pero pag itatawag na "pinaka-aktibong komunidad ng Bitcoin sa Asya"? Hindi ko rin makita.
Kung buong Asia eh duda din ako dyan,
ONE OF THE MOST? siguro active in crypto, pero relate sa scams sa malamang eh baka mag numero uno pa tayo dyan. (kaya siguro nadsabing active ang pinas LoL)
As for kung pag uusapan eh pang dito-dito lang sa ating bansa eh pwede na din siguro dahil alam mo naman ang pinoy sunod sa uso lagi yan lalo na kung may kinalaman ang pagkakaperahan, medyo madami na din naman tayong pwedeng pagbasehan tulad nga dyan yung nabanggit mong coins, and other platforms which is na meron din kani-kaniyang communities, isa pa dyan yung sa traffic ng bawat platform na alam ko eh matatrack natin kahit papaano using Online Tools.
Pero gaya din ng sabi mo kung sa Coins din lang eh hindi naman talaga lahat nagkakaroon ng involvement sa crypto.