Para sa inyo mga kababayan. Since ang presyo ay sobrang tumataas, nararamdaman niyo ba ang pagiging active ng ating bansa pagdating sa paggamit ng cryptocurrencies? O ang mga tao ay naghahanap lang ng efficient or safe ways, considering that we are still have the pandemic, to transact their money using these mobile apps or exchanges?
Kung titignan na lang natin sa Facebook, napakaraming crypto pages na Filipino ang members so in summary masasabi ko na maraming tao dito sa bansa natin ang involved sa crypto or sa Bitcoin.
Ang tanong na lang is kumikita ba sila sa crypto? Yes maraming pinoy ang involved pero may profits ba sila? Meron mga kumikita pero meron din namang hindi. Sa tingin ko nga rin kaya din sila na involve sa crypto kasi nakita nila ung price movement nito at na-enganyo lang silang sumali dahil dun. Sa tingin nila mas mabilis ang pera sa crypto kaysa sa negosyo or stock market kaya sila nagiinvest sa crypto.
Overall, isa nga tayo sa pinaka aktibong komunidad sa Asya pero in terms of adoption or pag accept ng Bitcoin sa mga merchants di ko maramdaman rin. Efficient way to gain profits possible but to transact using crypto?? Hindi rin sa akin kasi if makikipag transact din sila, digital fiat currency ang gamit nila at hindi crypto.
However, kung may mga relatives naman kayo na sobrang curious sa crypto -- help and guide them sa kung ano yung makakaya ninyo!.
Gusto kong tumulong kahit hindi ako ganun kagaling magturo at may speech defect din pero ang problema sa environment ko, di sila curious sa crypto or sa investment in general. Naka intact na sa isip nila ung pagwowork ng 8 hours at dun na lang aasa which is hindi maganda. Gayunpaman, if magkaroon man sila ng idea regarding crypto or investment in general tuturuan ko sila ng at least ng mga basics nito at kung anong investment ang pwede sa kanila

.