Parang bugos yung 2 (currently 2 sila na may 60+ sa binance p2p), na may zero completion rate at number ng trades. While yung una naman, since may completion rate siguro tutuo. At ang laki ng minimum, parang x3 yung kita pag mag sell ka dyan...
Kinakabahan ako sa ganto lalo na recently lang eh may nakita ako sa facebook group na sinalihan ko about sa trade sa binance, naiscam sya dito sa P2P, tapos ayun hindi na sya binayaran minura daw kase,... although parang yun lang di ba, napaka unreasonable para hindi mo bayaran, in the first place naman hindi ka mamumura kung wala kang kabalbalan na ginawa,...
Pano kaya solusyon ng Binance sa mga defaulted na trades? lalo na sa malamang eh mga alt account mga gamit ng mga hinayupak na toh eh.
Pwede kang mag appeal sa Binance tapos malolock yata yung account or suspended from trading from what I heard (someone correct me nalang if I'm wrong) kaso yun nga lang kung narelease mo na yung bayad parang hindi na din marereverse ng Binance yun. This is why always make sure na lang to check your balance first or ask for proof. Nakakatakot nga kasi marami na din akong nababasa na nasscam sa P2P kaya dapat tingnan talaga kung marami na silang successful trades and completion rate. May ibang sellers din na may verified status na mas magandang sa kanila nalang makipag trade. Magdududa ka nalang talaga sa high rates na parang nakaka akit talaga pero zero successful trades pala.