Sa tagal kong andito sa forum napansin ko na sobrang daming newbies every year nadadagdagan at kung sa totoo lang hindi ako makapaniwala sa dami dahil hindi pa naman ganoon kalaganap ang forum na ito sa iba, karamihan sa kanila ay alam ang bitcoin pero walang idea sa forum na to.
Ano sa tingin niyo tama ba ang hinala ko na maraming alternative accounts or multiple accounts dahil sa rason na mahirap solusyonan ito.
Di ako bomoto sa poll dahil tingin ko "both" yung sagot ko dun. About dito sa forum Alt accounts ang nagpadami dito dahil sa airdrops at bounties. Hanggang ngayon isa lang talaga account ko dito at sa sister forum. Sang-ayon ako dyan sa hinala mo kabayan na maraming alternative accounts kesa talagang totoong insosenteng newbie sa crypto na napupunta dito sa forum may nagshare din sa group sa telegram dati na lima account nya for bounty and airdrop di ko alam kung masipag lang o cheater talaga kasi di ko magets yung mga pinagsasabi minsan sa group daming referrals at kung anu-ano pa na sinishare.