Mayroon akong token na ang pangalan ay Cappasity noong 2017 na umabot ng 1.4 million pesos na sana kaso akala ko wala ng katapusan ang Bitcoin kaya hindi ko agad ibenenta. At ng bumaba ang market nito (2018) ay hold lang ako hanggang wala na nga etong value. Hanggang ngayon sumasakit ang dibdib ko dahil pera na naging bato pa.
Nakakapanghinayang talaga eto pero sana ay matanggap mo na, para naman wala kanang iisipin kasi kung hindi mo yun tatanggapin ay palagi mo na lang sisisihin ang sarili mo. Isipin mo nalang na malaking lesson eto at sa ngayong bull run ay mas wais ka na.
Di talaga natin maiwasan mag isip na ganyan at lalo na malaking value pa yung nahawakan natin na altcoins at tapos biglang bumagsak. At hindi lang ikaw nakaranas niyan halos lahat mga tao dito naka experience na ganyang pangyayari kaya tanggapin nalang natin at bumawi nalang sa sunod at kung may makikita na altcoins na pwede eh hold or eh trade agad. At ngayon sa sobrang laki na ng bitcoin Im sure isa sa atin naghahap ng magandang makapagkitaan na ibat ibang altcoins.