Normal lamang ang pagkatalo sa pagtatrade. Kaya nga mayroong tinatawag na risk management at "Trade what you can afford to lose". Hindi rin naman palaging panalo ang magiging basehan kundi ilang porsyento ng kapital mo ang nagagain mo ang ikukumpara sa pagkatalo mo sa bawat trade
Sa mga ganyan kasi kapag pumasok tayo sa crypto dapat talaga malakas loob natin at lalo na sa pag trade minsan mananalo or matatalo kaya tanggapin talaga kung anu man ang mangyayari at experience nalang rin yan at marami pang malalaman talaga sa pag trade na pwede pag iwasan sa mga mali natin. Kaya nga kung matatalo man sa trade eh di babawi nalang baka kikita pa ng malaki sa susunod, At tama ka kaibigan dapat isipin natin sa mga salitang Trade what you can afford to lose.
Susugan ko lang to kabayan,madalas kasing sablay sa mga traders eh yung paghandle ng risk, meron kasi sa salita lang kayang sabihin na can afford sila na matalo, pero pag nandyan na talagang nagiging aggesibo at imbes na okay na ung talo napapadagdag pa at ayun na nga sumama yung resulta.
Meron at meron talagang araw na kahit akala mo tama na ung position mo eh masisilat at masisilat ka pag nakialam na yung mga whales, pagbinago nila bigla ung direksyon ng market, aray na lang ang masasabi mo at bawi na lang ulit sa susunod pag nakapag desisyon ka ng mag exit.