Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Coinless 2025
by
Text
on 26/03/2021, 06:37:53 UTC
Pwede in the future pero sa taong 2025 parang di pa kakayanin ng Pilipinas na maging coinless. Mostly kasi sa ating mga kababayan ay wala pang bank account at sa mga kababayan naman natin na medyo may edad na ay mahirap narin para sa kanila na matuto sa mga ganyang bagay. Ganun din ang internet access sa ating bansa, isa rin yang factor para sa maging coinless ang isang bansa at di pa masyadong natataguyod ng maayos, mahal parin ang internet/data para sa mga karaniwang mamamayan.
Malalaman natin yan pagdating sa panahon na yan. Meron pang apat na taon ang hihintayin kung talaga bang mangyayari na maging Coinless na dito sa Pinas sa taong 2025. Hindi na rin mawawala ang mga hindi sasang-ayon sa planong ito. Dahil pano naman daw ang maliliit na negosyante, ang kanilang maliit na kita sa araw-araw. Pero siguro meron naman silang nakahandang solusyon dito, yun na ngang pagtulak ng National ID card kung saan meron QR code para sa small transactions. Patungo na nga tayo sa digitalization, at mas naitulak pa ito ng pandemic upang isulong at isakatuparan ang bagay na ito.