Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Isa sa mga dahilan kung bakit mayroon akong Bitcoin
by
iTradeChips
on 26/03/2021, 15:45:54 UTC
Malapit ko nang makumbinsi ang misis ko na imbes na maglagay kami sa bangko ay ilagay namin sa bitcoin ang aming mga ipon. Para sa gayon ay makakapagipon kami at the same time pwede naming mapalaki ang investment namin at dumating ang araw na hindi na kami namumublema sa pera. Bawat lagay mo ng crypto sa wallet mo ay parang savings deposit na rin kung iyong iisipin. Kaya pag sakaling magkaroon kami ng extra money ay talagang maglalagay kami sa bitcoin ng paunti unti.
Magandang ideya yan kabayan, siguro kailangan mong ipresenta sa misis mo kung ano ba talaga ang cryptocurrency nang sa ganon ay magkaroon siya ng sapat nag kaalaman patungkol dito at makadagdag para siya ay mag karoon din ng interest. Kung iyan ang gagawin mo kabayan, anong posibleng coin/token ang ilalagay mo sa iyong wallet?

Naku kabayan, ginawa ko yan mga ilang linggo na rin ang nakaraan at medyo skeptical siya sa simula pero pinakitaan ko siya ng impormasyon tungkol sa bitcoin at nagpahayag siya na interes kalaunan. Pero siempre nagsabi rin siya ng kanyang saloobin na hanggat maari ay magkaroon pa rin kami ng investment sa mga gintong alahas dahil diyan siya nasanay noon. Pag may alahas, nasasangla kapag panahon ng kagipitan at yan ang kanyang katwiran. Hindi ko siya masisisi pero sa tingin ko darating rin tayo sa panahon lubos ang suportang ibibigay niya sa crypto.