Bilang isang baguhan sa crypto, marami akong nakikita na nagiging successful
Real talk muna tayo. Mas marami ang mga umiyak dahil nalugi sa investment o kaya naman ay na-hack. Malamang yung mga nakikita mo sa social media na pinapangalandakan yung naging
success nila ay mga scammer din (ponzi/pyramid) at ginagamit lang ang crypto para manloko.
~ ano ang mga kailangang paghandaan ng mga baguhang tulad ko?
Simulan mo muna sa basic.
- Paano ba gumagana ang bitcoin at ang blockchain
- Paano bumili ng bitcoin o ibang crypto gamit ang fiat (Peso)
- Paano mag-send.
- Isa sa mga hindi maintindihan ng karamihang baguhan ay kung bakit matagal dumating yung BTC nila kaya kailangan mo din malaman yung tungkol sa block confirmation time at yung network fees.
- Seguridad ng wallet at yung kaibaghan ng custodial sa non-custodial.
^ Maraming short at easy to understand videos sa youtube. Balik ka na lang ulit pagkatapos mo pag-aralan mga yan.
At kung bibiyan nyo ng payo ang sarili nyo noong baguhan palang kayo, ano ang iyong ipapayo?
Yung sobrang pag-hold ng mga coins at tokens ang pinaka-mali ko noon kaya ang maipapayo ko ay mag-set ng target kung kelan magbebenta.