Bilang isang baguhan sa crypto, marami akong nakikita na nagiging successful ngunit sa kabila nito ano ang mga kailangang paghandaan ng mga baguhang tulad ko? At kung bibiyan nyo ng payo ang sarili nyo noong baguhan palang kayo, ano ang iyong ipapayo?
Gather information and turn them into your knowledge. Learn basics ng investment at cryptocurrencies. Alamin kung papano madedetermine kung scam ba ang isang project, tao o ano pa man. Huwag maniniwala sa kung kani kanino lang online. Madami talagang scammer. Maglaan ka muna ng time para medyo magamay mo mga dapat at di mo dapat gawin pagdating sa investment sa crypto. Wag na wag mong ibibigay ang key phrases, code, etc sa mga platform na nanghihingi sayo. Wag masyadong greedy at be realistic lang...