Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Paano tanggapin ang pagkatalo sa trade (Bawi tayo mga kaibigan!)
by
Eureka_07
on 29/03/2021, 08:06:52 UTC
Sa mga ganyan kasi kapag pumasok tayo sa crypto dapat talaga malakas loob natin at lalo na sa pag trade minsan mananalo or matatalo kaya tanggapin talaga kung anu man ang mangyayari at experience nalang rin yan at marami pang malalaman talaga sa pag trade na pwede pag iwasan sa mga mali natin. Kaya nga kung matatalo man sa trade eh di babawi nalang baka kikita pa ng malaki sa susunod, At tama ka kaibigan dapat isipin natin sa mga salitang Trade what you can afford to lose.
Dapat maging handa kapag nag trade at lagi mong iisipin na yung perang tinetrade mo kung matalo man ok lang. Pero kung manalo man, edi jackpot.
Tolerance lang talaga ang kailangan at pati na rin patience kapag nagte-trade. Pero kung lagi ka namang talo sa pagtetrade, mas ok na mag buy and hold nalang.
Kaya kasi madalas nalulugi ang ilan ss mga traders ay dahil di nila maiwasang sabayan kung anong nangyayarin sa chart. Panic buying at panic selling and isa sa pinakadahilan. Dapat mas maging mapili at mausisa sa kung anong coin ang pav iinvestan, alamin kung ano ang pang long term na investment o ano ang pang saglitan lang. Personally, mas pipiliin kong ihold ang coin kaysa itrade sa sobrang babang halaga. Pero depende parin kung tingin ko may pag-asang umangat.