Hindi ko maika-iila na kaya ako napasok sa mundo ng crypto ay dahil sa naakit ako sa presyo nito noon, 20K PHP pa lang ang isang Bitcoin. Nakita ko ang isang post na pwedeng pagkakitaan sa grupo ng deepweb, at doon na nga nag umpisa.
Dadami at dadami pa talaga ang tao sa crypto, pati itong mga mahihilig maglaro, mapa mobile o desktop man ay nagigigng bahagi na rin ng sistema dahil sa pag usbong at unti-unti ng nakikilala ang NFT.
Hindi na rin mawawala ang mga scammers. Dahil laging mainit ang kanilang mga mata at laging may paraan sa mga bagong pinagkakakitaan. Nasa sa atin na lang yun kung paano natin sila maiiwasan sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman.