Sa Social Media ko lang nakikita na active ang crypto currency siguro dahil sa marami akong crypto friends at marami rin akong groups tungkol sa crypto. Kaya naman dko ramdam na active ang crypto dito sa pinas.
Sana naman marami pang establishment ang tumanggap ng crypto katulad ng coins para mas maging maginhawa ang ating mga buhay.
Yes tama ka, sa social media active talaga ang mga pinoy pero medyo limitado pa ang mga businesses na nagaadopt kay cryptocurrency and we are just a traders, investors and hunters pero very limited ang option naten to spend cryptocurrency.
Anyway, being on top in Asia is a great start, maybe more businesses will start to adopt if nakita na nila ang totoong value ng cryptocurrency. Sa ngayon, enjoy naten ang kalayaan na natatamasa naten sa pamamagitan ni Bitcoin.
Di pa kasi ganun kaganda ang adoption ng bitcoin at cryptocurrency sa pinas kaya hindi ito maingay masyado sa business world pero good thing naman is nangunguna tayo sa pinaka aktibo dahil malamang maraming pinoy ang mahilig mag shill o mag ingay tungkol dito sa social media, nakikita na kasi ng mga kababayan natin ang potensiyal na kikita sila dito kaya gumaganda ang statistics natin ngayon siguro in future makakakita narin tayo ng malalaking merchant na tumatanggap ng bitcoin kaya sana lang palaging maganda ang imahe na bumubungad kay bitcoin upang hindi mag alinlangan ang mga mamumuhunan na tangkilikin nadin ito.