Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Filipino crypto users
by
JoMarrah Iarim Dan
on 06/04/2021, 13:48:23 UTC
Sa tagal kong andito sa forum napansin ko na sobrang daming newbies every year nadadagdagan at kung sa totoo lang hindi ako makapaniwala sa dami dahil hindi pa naman ganoon kalaganap ang forum na ito sa iba, karamihan sa kanila ay alam ang bitcoin pero walang idea sa forum na to.

Ano sa tingin niyo tama ba ang hinala ko na maraming alternative accounts or multiple accounts dahil sa rason na mahirap solusyonan ito.

Sa ngayon oo tingin ko wala pa sa kalahati ng populasyon ng Pilipinas ang nakaka-alam ng forum na ito pero hindi naman nangangahulugan na konti lang talaga ang may alam nito. Dito sa aming probinsya ang buong akala ko noon, kami ng mga kaibigan at kaklase ko sa school namin ang nakaka-alam nito ngunit mali ako. Napag-alaman ko na madami din pala dito sa probinsya namin ang gumagawa ng kaparehong bagay na ginagawa ko ng may mabasa akong topic dito sa forum na nagtrace ng mga account. Sa lagay na iyon nagulat din ako. Pero dati pa man may nakilala din ako, naging estudyante ko siya na napagsabihan ko ng tungkol sa forum na ito. Hindi ko eksaktong matandaan paano napasok ang topic tungkol sa bitcoin or forum at laking gulat ko na iyong kakilala nya sa brgy nila ay pareho ng ginagawa ko.