Malapit ko nang makumbinsi ang misis ko na imbes na maglagay kami sa bangko ay ilagay namin sa bitcoin ang aming mga ipon. Para sa gayon ay makakapagipon kami at the same time pwede naming mapalaki ang investment namin at dumating ang araw na hindi na kami namumublema sa pera. Bawat lagay mo ng crypto sa wallet mo ay parang savings deposit na rin kung iyong iisipin. Kaya pag sakaling magkaroon kami ng extra money ay talagang maglalagay kami sa bitcoin ng paunti unti.
Tama imukahi mo ito sa iyong misis kabayan, malaki ang maaring balik nang cryptocurrency kumpara sa bank basta siguraduhin lang natin na nasa secure na wallet ito at tayo mismo ang may hawak nang private/passphrase key upang hindi mabuksan. Nakumbinsi ko na din nang aking mga kapatid na mag-invest sa cryptocurrency, ngayon nakahold lang ang kanilang crypto at patuloy pa din nilang dinadagdagan ito. Isang magandang investment ang Bitcoin, nakikita ko na dito ang hinaharap nang mundo patungkol sa cashless at digital currency kaya isa ito sa dahian ko kung bakit ako mayroon bitcoin, hindi lamang bitcoin kundi ibang cryptocurrency din.
Nakapagsimula na rin kami sa wakas. Maliit na investment sa ngayon pero, napagkasunduan na rin namin na kahit papano, may porsiyento ng mga sahod at kita namin ay mapupunta sa investment ng Bitcoin. Naniniwala kami na magandang investment ito at pagdumating ang araw lahat ng maiipon namin ay lalaki at mawiwithdraw namin at nakaplano na rin kung ano ang gagawin dito. Sana nga umabot ang Bitcoin sa mga predicted prices nila. Para sa ganun maganda gandang kitaan ang mangyayari sa atin.