Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Sino dito ang naka experience ng last bull run (2017)
by
Text
on 12/04/2021, 07:56:03 UTC
Same regrets tayo kabayan may mga tokens ako na dapat hindi naibenta sa mga oras na iyon lalo na yung BTC, at mayroon din naman na mga coins na dapat naibenta ko na din kasi nawalan talaga siya nang value lalo na yung Minexcoin na napagandang project sana at may staking din. Kaso nga lang nawala na nung bumagsak yung market taong 2018. Napaka-blessed talaga natin na nagkaroon tayo nang oportunidad noon para kumita. Napakalalo ngayon kung tutuusin dahil more talaga ngayon sa investments, kailangan may mailabas ka na pera upang kumita ka di tulad noon na masipag ka lang dapat at kailangan din talaga nang diskarte. Buti na lang din nakatulong din talaga pag-tatrabaho nung 2018 bullrun at nakaranasan ulit ito ngayong 2021.
Parehas tayo, sinuportahan ko rin yang Minexcoin na yan sa pagsali sa kanilang bounty campaigns, natatandaan ko pa na umabot ang halaga ng isang coins sa $68. Bat kasi pinaalala mo pa  Grin, hanggang sa bumagsak na nga ang value niya at naging scam project. Ini-stake ko ring yung coins para sakaling dumami pa. Kaya lang naman tayo nanghihinayang dahil iniisip natin noon na pataas lang ng pataas ang halaga ng mga coins at tokens at sa paghahangad na rin na kikitain na malaking pera. Kunti pa lang kasi at hindi pa ganoon kalawak ang kaalaman natin noon lalo na pagdating sa galaw ng market.