Good day mga boss. Magtatanong lang kung anong pwedeng gamiting wallet na pamalit sa coins.ph? Maraming salamat. Sobrang sensitive kasi ng coins.ph. I have a level 3 account tapos nagcashout lang ako ng medyo malaking halaga and then they are requesting a videocall I guess which is sobrang hassle kasi napakabagal po ng signal ng globe dito sa probinsya namin.
Para sa akin ang pinaka best option eh mag p2p ka nalang. Marami namang trusted Filipino P2P traders sa binance pero syempre DYOR padin sa mga users. Also, if ikaw naman magsesend ng USDT tas sila sa bangko mo, better be careful kasi may naiiscam parin dyan. The best way I guess para di ka masyadong ma hassle sa verification ni coins is to gather some people na mapagkakatiwalaan mo and tell them na sa kanila ka wiwithdraw. Maigi ding hati hatiin mo yung mga iwiwithdraw mo especially kung malaki para hindi ka mapag initan ni coins. Lastly, if coins.ph talaga ang pinaka wallet mo at andon ang holdings mo, better use XRP for transaction pag sesend ka sa ibang tao as well as pag sesend ka sa coins mo mismo. Simpleng teknik pero malaki matitipid mo jan.