Good day mga boss. Magtatanong lang kung anong pwedeng gamiting wallet na pamalit sa coins.ph? Maraming salamat. Sobrang sensitive kasi ng coins.ph. I have a level 3 account tapos nagcashout lang ako ng medyo malaking halaga and then they are requesting a videocall I guess which is sobrang hassle kasi napakabagal po ng signal ng globe dito sa probinsya namin.
Hindi pa ko nakakapag cash out ng malaking halaga sa abra pero in terms ng KYC saglit lang procedure nila though baka lang mas malaki sa $10K and wiwithdrawin mo eh hanggang dun lang ata ang pinapayagan nila and aabutin ng 2-3 business days pag sa bank transfer sya, dahil sa hassle ng videocall sa coins.ph kaya din ako napadpad sa abra, dati akong level 3 pero biglang naging 25K ung limit ko kaya naghanap ako ng ibang wallet.
Ayan nga problema sa kanila boss. Masyado silang sensitive kahit mataas na yung level ng account mo. May kaibigan ako na naka level 4 pero nung nagcashout rin sya ng malaki-laking halaga eh nagrequest rin ng videocall schedule yung coins.ph. Ang nakalagay saken eh temporarily ban cashout limit, nagtry ulit ako magconvert nung natirang 25 pesos worth of Bitcoin ko pero ayaw, limit has been reached na daw.
Ang hindi ko lang alam eh kung kelan babalik yung limit, kahit 25K lang monthly okay na.