Base sa obserbasyon ko mas tumaas lalo ang porsyento ng mga gumagamit ng bitcoin sa ating bansa lalo na nung nagsimula ang pandemya. Dahil bukod sa walang ibang libangan ang mga tao bukod sa internet at online businessess, gaya nga ng sabi nya ginagamit din ng mga oportunista ang pagkakataong ito para makapanlinlang ng iba nating mga kababayan at higit sa lahat ma hype ang market.
Tama, ginawa nilang sulit yung oras ng lockdown nung nakaraang taon na wala talagang labasan ng bahay. Kaya may mga kababayan tayo na nagresearch at ginamit yung oras na yun para alamin yung mga basic tungkol sa bitcoin.
Tama makikita sa social media tulad ng facebook at twitter na parami talaga ng parami ang mga Pilipinong natututu sa cryptocurrency. Member ako ng iba't ibang facebook and twitter group page at doon ay makikita na ang Pilipinas ay pakonti konti ay nag aadapt na sa crypo world. Madaming newbie na nag papatulong at madami din naman na crypto literate na nag tuturo sa kanila. Sana lang ang umabot dito sa forum ang pagiging active ng mga Pilipino sa crypto. Nang sa ganun ay maging active din itong local Pilipinas.
Yun nga eh, ang daming mga facebook groups na mga active talaga mga kababayan natin tungkol sa crypto at madami ring mga discussion.