~
Unti unti ay napupunta rin tayo roon ngunit hindi siguro papunta sa paggamit ng cryptocurrency.
Naaalala ko yung binalita noon ukol sa mga nagtatravel ngayon na hindi na raw gumagamit ng pisikal na pera kundi mga Autosweep RFID o Easytrip depende sa kung saan sila patutungo.
Maaring dumating tayo sa ganitong sitwasyon pero totally na cashless or coinless o Cryptocurrency lamang mukhang mahirap ito, alam naman natin ang internet connection natin sa Pilipinas at sa bilang ng mga taong nakakaalam ng Cryptocurrency, nasa minority pa alng tayo ngayun at hindi madali na maabot natin ang majority sa mabilis na panahon.
Pero maganda na ang gobyerno natin ay open sa Cryptocurrency adoption at malaking tulong ito sa ating lahat na early adopter.