Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Coinless 2025
by
SacriFries11
on 18/04/2021, 16:51:19 UTC
~
Unti unti ay napupunta rin tayo roon ngunit hindi siguro papunta sa paggamit ng cryptocurrency.
Naaalala ko yung binalita noon ukol sa mga nagtatravel ngayon na hindi na raw gumagamit ng pisikal na pera kundi mga Autosweep RFID o Easytrip depende sa kung saan sila patutungo.

Sa tingin ko magkakaroon din nang mga adoption pagdating sa mga kasalukuyang platform na gumagamit nang cashless transaction. Magkakaroon sila nang interfacing sa pagitan nang kanilang system kung saan pwede sila magbayaran sa pamamagitan nang crypto at fiat tulad nang coins.ph pero sana babaan nila yung possible transactions fees and sa pag-palit nang cryptocurrency.
Mas maganda na mamulat agad ang ating mga kababayan sa cashless transaction tulad ang paggamit sa kasalukyang paraan katulad nang Gcash, Coins.ph at etc. Makakatulong ito upang agad nilang maunawaan ang tungkol sa cryptocurrency.