Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Pilipinas bilang isa sa mga pinaka-aktibong komunidad ng Bitcoin sa Asya.
by
JoMarrah Iarim Dan
on 21/04/2021, 12:40:56 UTC
Nabasa ko ang isang article na ito from Cointelegraph na tungkol sa bitcoin being a necessity sa ating bansa.
https://cointelegraph.com/magazine/2021/01/29/crypto-in-the-philippines-necessity-is-the-mother-of-adoption

Sinasabi din dito na napakaraming outlet para sa ating mga kababayan upang makabili or makagamit ng Bitcoin at iba pang cryptocurrency. Medyo napaisip ako sa unang part nito saying that Philippines is one of the most active countries in Asia. Hindi sa nagda-doubt ako about it but because I am not feeling that activeness in our country.

Nagcacashout ako in some of these outlets or remittance centers pero wala silang idea about it. They knew coins.ph but they are not familiar with cryptocurrencies. Sinasabi din ng article na 10% ng population nating ang gumagamit ng cryptocurrencies, which is like 11M kung gagamitin natin ang numbers dito sa site na ito.

Para sa inyo mga kababayan. Since ang presyo ay sobrang tumataas, nararamdaman niyo ba ang pagiging active ng ating bansa pagdating sa paggamit ng cryptocurrencies? O ang mga tao ay naghahanap lang ng efficient or safe ways, considering that we are still have the pandemic, to transact their money using these mobile apps or exchanges?

Sa mga lugar na napuntahan ko na dito sa ating bansa partikular na sa Manila at Metro Manila, ang nakita ko lamang na outlet na may related sa cryptocurrency ay ang Palawan Express Pera Padala sa piling lugar. Hindi ko masiadong matandaan kung mayroon ang ilang 7/11 kasi hindi ako masyadong pumapasok sa mga 7/11. Kung mayroon namang mga online shops na pwedeng magbayad o bumili ng cryptocurrencies ay wala din akong alam. Siguro kaya nasabing pinaka-aktibo ang ating bansa ay madami ang mga nag-a-access at gumagawa ng mga transactions sa mga trading sites pati na din siguro sa mga mining sites, gayon na din madami ang mga nagda-download at gumagamit ng mobile apps na related sa cryptocurrencies tulad ng coins ph. Alam naman natin na ang mga Pilipino ay mahilig sa gawain online tulad na lamang ng pagti-tiktok gayon na din madaming mga hackers kaya magagaling ang mga pilipino sa mga gawain na konektado sa internet.