Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Panahon Na Nga Ba Maging "Cashless Society" ang Pilipinas?
by
JoMarrah Iarim Dan
on 21/04/2021, 13:21:39 UTC
This explain my thread, and siguro nga ay di pa napapanahon para sa cashless society since marami paren talaga ang walang sapat na kaalaman tungkol dito. Maybe in the next 5 years mas maaachieve naten ang pagiging cash less society since patuloy na naggrogrow ang teknolohiya at dapat lang natin itong pagtuunan ng pansin.

Ako na naranasan ang mamuhay sa probinsya ng higit dalawpung taon, at naranasan din ang mamuhay sa syudad na walang aasahang magulang kundi sarili lamang napagkumpara ko at nalaman ko ang pagkaka-iba ng pamumuhay dito o yung kung sabihing daily lifestyle. Napakalayo ng estado ng syudad sa probinsya. Kung hindi pa kaya sa syudad ang 100% Cashless Society, mas lalong hindi kakayanin ng probinsya ang ganitong klase ng sistema. Oo nag-grow nga ang teknolohiya at tama din na pagtuunan ito ng pansin kung hindi , mahihirapan tayong umunlad. Maganda din naman talaga sana ang cashless society lalo makaka-iwas tayo sa close contact sa ibang tao at makaka-iwas na din tayo na mahawa sa Covid. Ngunit hindi pa talaga kaya sa ngayon, malay natin mga ilang taon na lang pala ang hinihintay natin para tuluyang maging cashless society ang buong Pilipinas.