Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Focus on Bitcoin this year or sa ibang bagay?+ Qs about trading ad sa YT
by
isaac_clarke22
on 21/04/2021, 17:00:31 UTC
~
Una, para sa akin angkop lang na dito mo iyan naipost, dahil iba iba ang buhay ng mga taga ibang bansa at maaaring di maapply mga advice nila dahil iba estado ng buhay nila doon.

Huwag mo itigil ang iyong online class. Aminin natin na nakakastress talaga at parang nagmumukang nag papasa na lang tayo ng requirements ng ating mga propesor sa halip na matuto.

Maaari ka namang magfocus sa both. 50/50 kumbaga. Tsaka isa pa, kung may natatago ka na riyang Bitcoin sa wallet mo, i hodl mo na lang kasi tignan mo ba naman ang inabot na presyo ng Bitcoin ngayon. Hayaan mo lang yan habang nag aaral ka.

May option ka pa ring aralin ang trading pero wag mo isakripisyo pag aaral para doon, dahil isa ring investment ang iyong pag aaral. Halos nasa parehong sitwasyon tayo dahil ako'y 3rd year IT Student na rin at ramdam na ramdam ko ang iyong nararamdaman base pa lang sa pagtatanong mo.