Isa sa pinaka pinagsisisihan ko sa buhay ay ang pag hinto ko sa cryptocurrency way back 3-4 years ago. Natuklasan ko ang crypto world noong 2017-2018 na kung saan saktong bullish ang market. Legit ang income/profit noong time na yun at worth it mag grind. After 1-2 months, pag pasok ng January 2018 unti unti naging bearish ang market at doon ako huminto. Ang pag iisip ko noon ay huminto muna dahil bagsak naman ang market at walang possible income. Yun ang aking pag kakamali dahil hindi ko nakita ang brighther side ng pagiging bear market, hindi ako nag invest at bumili ng mga coins sa panahong sobrang baba pa ng mga presyo, kumbaga 3 years naka sale ang mga coins pero hindi ko pinansin at isa pa hindi din ako nag laan ng oras para aralin ng magpaka dabulhasa sa crypto. Edi sana ngayong 2021 bull market ay nagkaroon ako ng malaking income. Bukod sa sinayang ko ang possible income ko, nag sayang din ako ng panahon. 3-4 years ang nag daan pero walang nadagdag sa kaalaman ko sa crypto at kailangan ko ulit mag hintay ng 3-4 years para magkaroon ng malaking posibleng income (base sa historical data every 3-4 years nag bubull run ang market). Pero hindi pa huli ang lahat, kaya naman masasabi ko na wag na mag sayang ng panahon at oras. Aralin na ngayon ang crypto habang hindi pa ganoon karami ang nakaka alam.