This was published 8 hours ago as of this time of creating this thread:
Source:
https://www.sunstar.com.ph/article/1892062/Cebu/Business/Cebu-City-eyes-use-of-cryptocurrencyMga kabayan, especially mga taga-Cebu, anu masasabi nyu dito? Nakita ko kasi may mga mixed reactions tungkol sa pag gamit ng cryptocurrencies para magbayad ng business at real estate property tax, etc., sa Cebu City.
Si Cebu City Mayor Edgar Labella at C Peso Inc.’s CEO Jaewon Kim nag sign ng memorandum of understanding para masimulan na ito ma adopt ang itong sistema sa Cebu City government. Kung ganun, ang Cebu City na mismo ang pinaka una sa entire Visayas Group of Islands na mag fully adopt nito.
Sa akin lang ha, although welcoming naman ito na ma recognize yung cryptocurrencies sa Cebu City, ang concern lang naman dito is yung funds collected by the Cebu City government with cryptocurrencies, hindi kontrolado ng Central Bank.
May sariling stablecoin si C Peso pero under sa Ethereum network, so good luck na lang sa gas fees.Titingnan pa natin yan kung anong mangyayari kalaunan sa ganitong pagpapatupad ng sistema, kasi naka basi din ako sa Cebu kabayan. Mukhang mahihirapan rapan tayo sa fees kasi masakit parin sa ulo ang kamahalan neto. Katulad lang ng nakaraang araw nag trade ako ng token ko at nakakapanghinayang ang na gas ko gamit ang eth, humigit sa lagpas 2k php ang nagastos ko sa isang transaction lang.
Eh kung sa Cebu City yan, expensive gamitin ang erc20 sa crypto payments kaya dapat wag sana padalos dalos ang gobyerno sa ganitong pamamaraan dahil di naman lahat ng taos sa lugar namin eh mayayaman at may kakayahan.