^ Photo grabbed sa isang FB crypto group. Hindi ko na din sinundan yung main link pero ayon sa comments eh naipon daw yan sa maagang pagmimina. Ang tibay din niya mag-hold. Kung ako siguro nyan baka marami na ako nabenta nung 2017 pa lang. May kaya din siguro kaya ganun.
Sa presyo ngayon na $49,000 per BTC at sabihin na nating Php50 per USD, tumataginting na Php 757.46 Bilyon

Ilang henerasyon na siguro mabubuhay nyan

Iniisip ko din na kung ako ang may hawak ng BTC na yan, malamang kalahati dyan ay nabenta ko na nung 2017 pa. Ang galing lang nya sa part na nakaya nyang ihold yan hanggang ngayon kasi sobrang nakakatemp na ibenta na yan noong 2017. Or dahil hindi naman natin talaga alam ang totoong kwento sa likod ng post na yan, pwedeng may naibenta na nga siya noong 2017 at may iniwan syang nakahold. Habang hindi pa tuluyang nakakarecover ang BTC price, pwedeng nag-ipon ulit siya at tuloy tuloy siyang gumawa ng paraan para kumita ng BTC hanggang sa dumating ang 2021 at tuluyang tumaas ang BTC price marami pa rin siyang BTC.
Napaka-init sa mata ng halaga sa post, kung kanino man yan pwedeng maging target siya ng mga hacker. Good luck sa humahawak ng BTC na yan. Sana sobrang taas ng security nya kasi ang lakas ng loob na ipakita sa madaming tao.