Masakit para sa isang enthusiast or nahumaling na sa crypto, ang mga ganitong pangyayari. Bagamat may mga pangyayari talaga na hindi inaasahan tulad ng mga gantong bagay.
Sino ba naman ba ang hindi manghihinayang mawalan ng Millions worth of Bitcoin in Dollars, pano pa kaya kung in Peso.
Pano nga ba dapat tayo mag store o mag safe keep ng Private keys/password ng ating mga wallets? (Base sa mga napakingan kong parang podcast or interview dati 2016 or 2017 pa yata ito) pero eto yung tumatak sakin:
May mga advantages at disadvantages ito;
Advance Keeping (eto kasi yung narinig kong term nung speaker noon):
- USB storing - Sa isang USB naka store ang keys at password
- Google drive - Sa email naka store
- HDD - Hard drive
Traditional:
Sulat kamay - Nakasulat sa papel, libro, at iba pa.
Safety deposit box - (eto yung last na nabangit) medyo matrabaho (pag mag open ka sa mga banko) at mahal (Kung bibili ka ng personal) pero safe nga naman, kasi at ikaw lang ang makakabukas.
Magiging masakit naman kahit sa sino man ang maawala ang iyong pinaghirapan lalo na at ngayon ay napakavaluable na nito. Kung alam natin sa sarili natin na madali tayong makalimot ng username, at passwords dapat meron tayo agad solusyon sa problemang ito. Ako meron akong ginawang excel file. Matagal na ito at aminado naman akong hindi na ito updated. Oo mahirap siyang imaintain pero sobrang laking tulong sakin ng file na ito. Ang ibang account ko, umaasa na lang ako sa password na nasave sa web browser o hindi kaya ay sa samsung password. Oo mali kaya kahit papaano naglalaan na ako ng time para dito. Ang back-up kasi magbebenefit satin sa matagal na panahon. Ang excel file din na back up ko, naglalagay ako sa cellphone, flashdrive, hard drive at googgle drive. Syempre may extra security pagdating sa google drive lalo na at napakaconfidential ng mga impormasyon na nakalagay dito.