Nakita niyo na ba 'to?
Holdings:
BTC309,169.419^ Photo grabbed sa isang FB crypto group. Hindi ko na din sinundan yung main link pero ayon sa comments eh naipon daw yan sa maagang pagmimina. Ang tibay din niya mag-hold. Kung ako siguro nyan baka marami na ako nabenta nung 2017 pa lang. May kaya din siguro kaya ganun.
Sa presyo ngayon na $49,000 per BTC at sabihin na nating Php50 per USD, tumataginting na Php 757.46 Bilyon

Ilang henerasyon na siguro mabubuhay nyan

Hindi na ako nagulat dahil hindi naman imposible na mangyari talaga iyan lalo na kung malakas ka talagang kumita ng bitcoin at kung magaling kang humawak ng pera. Marahil ay may kaya din sa buhay ang humahawak nyan kasi kung hindi, marahil na nagastos na iyan sa hirap ng buhay at sa mahal ng bilihin ngayon. Sana mas ma-manage pa niya ng maayos yan at magamit din sa mabuti. Kung may plano naman siyang palaguin pa iyan, wala naman sigurong masama.