Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Filipino crypto users
by
Dadan
on 05/05/2021, 11:40:36 UTC
Sa tagal kong andito sa forum napansin ko na sobrang daming newbies every year nadadagdagan at kung sa totoo lang hindi ako makapaniwala sa dami dahil hindi pa naman ganoon kalaganap ang forum na ito sa iba, karamihan sa kanila ay alam ang bitcoin pero walang idea sa forum na to.

Ano sa tingin niyo tama ba ang hinala ko na maraming alternative accounts or multiple accounts dahil sa rason na mahirap solusyonan ito.

Oo tama nga ang sinabi mo. Madami ang nahuhumaling sa cryptocurrencies ngayon pero ang karamihan ay puro trading lamang ang ginagawa. Sa dami ng tao na nakasalamuha ko sa syudad ni isa sa kanila walang nakaka-alam ng forum na ito. Ang topic lang namin madalas ay ang binance. Hindi nakapagtataka kung madami nga ang alternative accounts dito. Ang alam ko dati meron naging naging trending topic tungkol sa iisang tao pero daan daan yata ang account dito sa forum. Ang iba ay pinapa-pilot na lang niya. Hindi ko lubos matandaan saan ko ito eksaktong nabasa dito sa forum basta ang alam ko Pilipino ang may gawa noon. Hindi ko din lubos na sigurado kung tama ang pagkaka-alala ko na naging banta pa iyon sa mga Pilipino sa forum na ito.

puwede pala kumita dito sa forum?
hindi ko po alam yun hehe, pano po pala ako kikita dito sa forum?
puro pagbabasa lang ng thread at impormasyon lang ang ginagawa ko dito. unaware po ako na puwede pala ako kumita
There are so many ways para kumita sa forum na 'to at kaya narin marami gumawagawa ng mga alt accounts dito, pwede ka sumali sa signature campaign at sa mga altcoin bounties, way back 2016/17 malakas ang kita dito sa forum nato dahil hindi pa gaano karami ang mga miyembro at di pa gaano karami ang scam altcoins project.